Sunday, October 2, 2011
veggie kare-kare
1/2 k kasim, hiniwang pahaba
1 sibuyas na pula
3 piraso ng bawang
patis- ayon sa panlasa
3 tbsp. toyo
mama sita's kare-kare mix ( dilute sa 1 cup water )
3 tbsp. peanut butter
sitaw- isang tali ( hiwain ng mga 1 1/2 inch )
3 tali ng pechay ( hiwain ng 2 inches ang haba )
1 talong ( hiwain pa slant )
bario fiesta bagoong ( para sa sawsawan lamang )
Paraan ng pagluluto:
pa kuluin ang kasim sa 2 cups na tubig, pag malambot na ang karne, itabi. sa isang kawali, mag gisa ng bawang at sibuyas. lagyan ng konting patis ang ginisa. isunod ang karne na palambot na . at ihulog ang sitaw at talong. isama ang peanut butter . pag malambot na ang gulay, magiging malapot ito gawa ng peanut butter. ibuhos na ang sabaw sa pinaglagaan ng kasim. at pakuluin ng kaunti. ibuhos na ang na dilute na kare-kare mix. at ihulog na ang pechay after 3 mins patayin na ang stove.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment