Thursday, November 3, 2011

Embutido My way !!!

1/2 k pork giniling
1/2 k beef giniling
1 carrot-hiwang maliliit
6 cheesedog- hiwang maliliit
4 med. sibuyas- hiwang maliit
4 eggs
paminta
3tbsp toyo, 1- small ginisa mix
aluminum foil
1 sml can green peas
 1/2 cup cornstarch
1/2 cup a.p. flour                              

mix all ingredients, at ilagay na sa foil at i steam ng 30-45 mins.


                                  pwede rin lagyan ng hard boiled eggs sa loob. at i fry ang embutido..

skinless langonisa

1 k pork giniling
1/2 cup brown sugar
1 1/4 tsp rock salt
 4 tbsp soy sauce
 1 head garlic pitpitin
 1/2 tsp.blck pepper
 1 tsp. hot sauce (optional)


                       mix all ingredients, ilagay sa ref. ng 3 hours, ( para kumagat ang lasa) after curing, gumawa ng hugis hotdog at balutin na sa wax papper isa isa..

Friday, October 14, 2011

Sweet and sour meat balls

1/4 ground beef
1/4 ground pork
garlic
sibuyas  na mura
1 bot.ufc sweet n sour sauce
carrots
 bellpepper
sibuyas
2tbsp cornstarch



              paghaluin  ang pork,beef giniling ,sibuyas na mura,cornstarch at bilugin at i fry. pag golden brown na i tabi sa isang bowl. magisa ng bawang sibuyas  ,bellpepper,carrot at ibuhos na ang sweet n sour sauce. lagyan ng 1/2 water. at tikman. pwede lagyan ng 1tsp. toyo at patis kung matabang. tapos ibalik ang na fry na mga balls. after 3 mins. patayin na ang stove.
       

Tuesday, October 11, 2011

longsilog !

Beef caldereta

1 k beef
tomato sauce
beef cube
toyo
potaoes
carrots
bellpepper
garlic,onion
green peas

                    palambutin ang beef, potaoes, magisa ng onion at garlic. ilagay ang beef at potatoes at isama na ang pinaglagaan, lagyan ng beef cube at konting toyo., bellpepper. pwedeng gumamit ng patis pang alat.

Wednesday, October 5, 2011

Mashed potatoes with gravy

3 big potatoes
1/2 butter
paminta durog
grated cheese

For gravy: 1 cup water
                 flour
                 paminta
                 1 beef cube
                  knorr seasoning


                   palambutin ang potatoes at i mashed. ihalo ang butter,paminta cheese.



         

My comfort food !!! pancit bihon....sarap !!!

From ken,kim and kurt !

Sweet and sour tilapia

1 tilapia
1 bot. delmonte sweet and sour sauce
1 smll pineapple tidbits
carrots,bellpepper
1 onion
3 garlic



                        prituhin ang tilapia at itabi, mag gisa ng bawang sibuyas , bellpepper, carrots at pineapple tidbits. add 1/2 cup water. add the sweet and sour sauce..

Tilapia surprise !



                   I - fry ang tilapia, add toppings, - carrots, paminta and hard boiled eggs.

                   * palambutin   ang carrots at hiwaing maliit

Inihaw na tilapia

2 kamatis
2 sibuyas
1 luya sml, hiniwang maliit

             



                                        ilagay sa tiyan ng tilapia lahat ng  kamatis,sibuyas at luya .  at ihawin.

Inihaw na liempo

1k liempo
kalamsi, toyo - toyomansi
paminta
1 head garlic
1 - 7up





                     paghaluin lahat ng ingredients, i marinade ng 1 hour at ihawin

Pork stew

1/2 k pork -strips
3 patatas
1/4 baguio beans
1 sibuyas
 2 kamatis
3 bawang
paminta
2tbsp. toyo
patis- ayon sa panlasa


                      magisa ng bawang, sibuyas at kamatis. isunod na ang pork strips. lagyan ng 1 cup water pag malambot na ang meat ilagay na ang patatas. at after 3 mins. ilagay na ang baguio beans. timplahan ng toyo, patis ayon sa panlasa.

Porky mechado

1k kasim
1 beef cube
2 patatas
3tsp. toyo.
paminta durog
1 bellpepper
1sibuyas
4 bawang



               palambutin ang kasim, at itabi. sa isang kawali, mag gisa ng bawang,sibuyas. isama na ang napalambot na kasim. ilagay na ang patatas, at palambutin. isunod na ang pinaglagaan ng karne, ilagay na ang beef cube.  tikman, pag matabang patis ang pangalat.

Crunchy fried chicken

1k  chicken wings
1 crispy fry breading
oil for frying


         coat evenly with crispy fry breading mix. and fry until golden brown.

My sisters in law

Tuesday, October 4, 2011

My parents

My siblings

My children.. Ken,kim,kurt and "kaye" (+)

Glenn and sug

Hamburger steak

1/2 pork giniling
1/2 beef giniling
3 sibuyas- hiwang sobra liit
1 buong bawang- pitpitin at hiwaing maliit
1tsp. pepper
worcestershire sauce 3 tsp.
bread crumbs 1/2 cup
1 egg
cream of mushroom              

                             paghaluin lahat ng ingredients,gumawa ng mga burger patties, i fry sa oil na may konting butter.   pwede gawing sauce ang cream of mushroom.

Fish fillet

1k cream dory
1 cup flour
1 cup cornstarch
2 smll. ginisa mix-( ung isa para sa dory, at ung isang ginisa mix para sa flour mix.)
oil
mayonaise
1 egg



                           hatiin sa tatlong piraso ang bawat dory.budburan ng  1ginisa mix. at itabi.
sa isang bowl, pag haluin ang flour,cornstarch at 1 ginisa mix.(flour mix.). i dip sa binatil na egg ang fish, at i dip sa flour mix. at i fry na hanggang mag golden brown. gawing toppings ang mayonaise.

Chicken pochero

1k chicken- adobo cut
patis,ayon sa panlasa
1kamote yellow-hiwain sa apat
3 saging na saba- hatiin  sa dalawa
2 tali pechay green
1/2 repolyo
2 tbsp tpyo
paminta durog
2 sibuyas
4 garlic
2 kamatis


           Mag gisa ng bawang ,sibuyas, kamatis. ilagay ang manok. lagyan ng konting patis. isunod ang water 1 litre. pakuluin, pag half cook na  ang manok ihulog na ang kamote, at saging. pag half cook na, isunod ang repolyo. at pechay. lagyan ng konting toyo 2 tbsp. at patisan ayon sa panlasa.

           

Oh My gulay !

1 tali ng sitaw
kalabasa
1 smll. knorr all in one
1tbsp.toyo
patis ayon sa panlasa
paminta durog
1 sibuyas
1 kamatis
3 garlic
1/4 meat strips



                          mag gisa ng bawang,sibuyas ,kamatis isunod ang meat. mag lagay ng konting patis, 1tsp. mag lagay ng water 1 cup..at knorr all in one mix. lagyan ng konting toyo 1tbsp.. pwede na patayin pag unti na ang sabaw.

Pork chop steak

1k porkchop
toyomansi - 6 kalamansi, 1/2 cup toyo
paminta durog
1/4 cup butter
oil


              marinade porkchop in toyomansi for 30 mins. i fry sa oil at butter. ibuhos ang  ang kalahati ng marinade sauce. hangang mag color brown  at mag mantika na ang porkchop.


                                  *wag masyado i over cook ang porkchop para hindi tumigas ang meat.

Monday, October 3, 2011

Tipsy Shrimp

1k hipon
2 heads garlic-pitpitin
oil
2tbsp. butter
cheese
3 tbsp  delmonte anisado wine


                  Igisa ang garlic sa pinaghalong oil at butter. antayin na mag golden brown ang garlic. isunod ang hipon. lagyan ng salt 1 tsp. at toyo 2 tbsp. haluin. lagyan ng del monte anisado wine.  after 2mins. hanguin ang hipon . wag isama ang sauce na maiiwan. lagyan ng grated cheese ang naiwan na sauce at after 10 sec. patayin na ang stove. sa isang plate, ilagay ang hipon at maglagay ng maliit na platito para sa  butter sauce.  mag tira ng kaunting butter sauce at  ibuhos sa hipon.

Sinigang sa miso na mayamaya (ulo ng mayamaya )

1k ulo ng maya maya
2 sibuyas
3 garlic
2 kamatis
luya
miso. (  worth 5 pesos)
 Sinigang mix sa miso
2 tali ng kangkong
2 sili haba


                 mag gisa ng bawang ,sibuyas, kamatis at luya. lagyan ng konting patis. mga 2 tsp. isunod ang ulo ng mayamaya. . igisa dito ang miso, lagyan ng 1 litrong tubig,  pakuluin at ibuhos na ang sinigang mix with miso. , timplahan ng patis ayon sa panlasa. pag malapit na maluto, ilagay na ang kangkong at sili.


                             * hugasan mabuti ang  ulo ng maya maya, alisin  maigi ang mga dugo na nakadikit upang ndi ito maging malansa.

Creamy pork stew

1/2 k pork cutlet
1 all purpose cream ( alaska )
1 can mushroom slice
2 onion
4 garlic
3tbsp. toyo
patis ayon sa panlasa


                       hiwain ng maninipis ang pork cutlet, tapos magisa ng bawang ,sibuyas at isama na ang hiniwang pork. lagyan ng kaunting tubig mga 1 cup,  pag malambot na ang pork, ilagay na ang all purpose cream at mushroom. lagyan ng toyo. at paminta... pag matabang lagyan ng kaunting patis. antaying maging malapot ang sauce.

          *pwede ito  kainin with rice  or  pasta at cheese

Adobo - Que

1k chicken / pork- adobo cut
2 buong bawang, pitpitin
1 laurel leaf
toyo,suka
oil
paminta durog


            sa isang casserole maglagay ng 2 cups water, ilagay ang pinitpit na bawang,  laurel,leaf, suka , toyo.  pamintang durog. at pakuluin. pagmalapit na ito matuyo, lagayn ng mantika . at haluin. hanggang mag mantika  ang mga manok.

Chicken kinamatisan

1k chicken  - adobo cut
1 onion
5  garlic
3 med. kamatis
2 patatas - quarter cut
toyo,patis

             i fry muna ang mga patatas, itabi. sa isang casserole, mag gisa ng bawang ,sibuyas at kamatis.  siguraduhing malambot na ang kamatis. at ihalo ang manok. mag lagay ng toyo, mga 3 tbsp. at tubig mga 2 cups. pag kulo. ilagay na ang piniritong patatas at patis ang pang alat. pakuluin at antayin na  lumapot ng konti ang sabaw.

Yummy tinola

1k chicken
1 onion red
3garlic
luya
2 sayote
10 pcs. baguio beans
dahon ng sili
sili haba


                                              gisahin ang bawang ,sibuyas, luya,  lagyan ng patis  mga 1tbsp. ilagay na ang manok at palambutin. pag malambot na ang manok,ilagay na ang sayote after 3 mins, ilagay ang baguio beans
 lagyan ng patis ayon sa panlasa, at pag malapit na maluto, ihulog ang sili  at dahon sili.

Sunday, October 2, 2011

Talong with oyster sauce

 3 pcs. talong hiwaing pabilog
 3tbsp. oyster sauce
 paminta durog
3 garlic
1 onion red


               i marinade ang talong sa oyster sauce ng mga 1 hour, pag katapos i marinade, i fry ang talong . sibuyas, garlic.  pag malambot na  ang talong, ibuhos ang pinang marinade sa talong  . pag nag mantika na ito, ok na ipatay ang stove.

cheesy dynamite

10 siling haba ( piliin yung  straight na sili )
cheese cut into strips
10 pcs. lumpia wrapper
oil for frying
ginisa mix sml

                   hatiin ang sili sa gitna. ingatan wag maghiwalay. alisin ang buto ng sili ( pag like naman ng maanghang wag na alisin ang buto ng sili ) at  budburan ng konting ginisa mix ang loob ng sili, lagyan ng  madaming cheese  .  hatiin sa dalawa ang lumpia wrapper (upang hindi masyado maging makapal ang pagkabalot)  ibalot sa lumpia wrapper ang  nalagyan ng cheese na sili at i fry na hanggang mag golden brown.

Crazy sinigang pork ribs

1k pork ribs
1/4 gabi
1 onion
3 tomatoes
3 garlic
2 kangkong
sitaw
sili haba
sinigang mix na may gabi

                         palambutin ang ribs  at gabi sa casserole.sa panibagong kawali, magisa ng bawang sibuyas,kamatis. at kunin na ang na palambot na ribs. pag katapos magisa, ilagay ang pinag lagaan ng karne, at pakuluin. durugin ang gabi. at ilagay ang sinigang mix .. timplahan  ng patis. pakuluin hanggang lumapot ang sabaw at ihulog na ang sili haba at kangkong. after2 mins. ipatay na ang stove.

Chicken stew

1k chicken (adobo cut )
3 patatas hiniwa sa apat ang bawat patatas
10 pcs. baguio beans hiwaing 2 inches ang laki
1 sibuyas red
1 kamatis
3 bawang
2 carrots pareho ng hiwa sa patatas
toyo,patis
                                                      Paraan ng pagluluto :


                              Mag gisa ng bawang , sibuyas, kamatis, ilagay ang manok. pag half cook na ang manok, isunod na ang patatas at carrots, at baguio beans. pag malambot na lagyan ng water. mga 2 cups, pakuluin hangang sa maluto laht ng recado.lagyan din ng 2 tbsp. na toyo at konting patis- ayon sa inyong panglasa. pag konti na ang sabaw, pwede na patayin ang stove.

Torta pizza

1/2 pork giniling
3 patatas hiniwang malilit
1 sibuyas red
1 kamatis
5 bawang
6 eggs


                                                      Paraan ng pagluluto :


                            Mag gisa ng bawang , sibuyas, kamatis, giniling at patatas.  lagyan ng konting water. mga 1 cup.  lagyan ng toyo, pag wala na ang sabaw, itabi ito. mag handa ng  isang malaking bowl. i beat ang 6 eggs dito, at ihulog dito ang ginisang meat. pag haluin. mag init ng mantika sa kawali.ibuhos dito laht ng ginisang meat na may egg. hinaan lamang ang apoy. pag luto na ang kabilang side, baligtarin ang pizza torta sa pamamagitan ng plato. lagyan ng isa pang plato sa kabilang side parang  platong pinag saklob . at ibalik ulit sa kawali , para maluto namn ang kabilang side. pag luto na parehong side, hiwain ng parang pizza. at ihain.

Sweet and sour fish

1k cream dory
1 cup flour
 1 cup cornstarch
 1 ginisa mix small
 1 bot. delmonte sweet and sour sauce
  1 small can pineapple tidbits
 1 bell pepper cut into strips
  1 carrots cut into strips
 1 sibuyas
 4 bawang


                                                 Paraan ng pagluluto :


                                    pag haluin ang flour at cornstach at ginisa mix.  ito ang magiging breading natin para sa fish.  isa isahing lagyan ng breading ang fish at i fry. pag golden brown na. itabi ito sa isang malaking plate. mag gisa ng bawang sibuyas ,carrots, bellpepper. ilagay na ang isang bot. na  delmonte sweet and sour sauce at pineapple tidbits. konting water mga 1/2 cup lng. tikman,  at ibuhos na lahat ng sauce sa tinabing fish.. un na walah ! enjoy !!

chicken Feet in sesame oil

1/2 k chicken feet
1 sibuyas
5 bawang
1 laurel leaf
2 tbsp. sesame oil
3tbsp. toyo
3tbsp.suka
sili
 2tbsp. black beans   (cooked)                      
cornstarch- pam palapot
                                                   Paraan ng pagluluto :


                           ilagay sa kawali ang toyo,suka, bawang, laurel, at chicken feet, lagyan ng tubig  pakuluin ng sabay sabay hangang lumabot ang chicken feet. pag malambot na  . ilagay na ang black beans , mag lagay ng  2tbsp. cornstarch sa isang tasa at  3tbsp na water. paghaluin.  at ibuhos sa niluluto.. ilagay na din ang sesame oil at sili. at patayin na ang stove.

Chicken curry

 1k chicken ( adobo cut )
 1 gata ng niyog
 patis (ayon sa panlasa )
 3 patatas ( hiniwa sa apat )
 1 carrot (hiniwa sapat )
 2 sili haba , bell pepper
 paminta durog
 1 sibuyas
 3 bawang
 small luya ( hiniwang malilit )

                                                     
   
                            mag gisa ng  bawang, sibuyas, at luya. ihulog ang manok.  pag half cook na ang manok ihulog ang carrot at patatas,  at gata ( pangalawang piga ) pakuluin.. pag unti na ang sabaw na gata, ihulog na ang unang gata at 2 tbsp na curry powder. pakuluin. pag malapot na ng kaunti ang sabaw,   lagyan ng patis... ayon sa inyong pang lasa. ihulog na ang sili at ipatay na ang stove after 2 mins.
                       

Tokwa steak

5 tokwa
1 sibuyas
toyomansi ( 5 kalamansi at toyo )
 paminta  
3 bawang
                                                                Paraan ng pagluluto:


                           Iprito ang mga tokwa . pag tapos na prituhin, hiwain ng pahaba.  at itabi. mag gisa ng bawang sibuyas. at ihulog ang mga na prito na mga tokwa.  haluin. ibuhos na ang toyomansi.  maari ding  maglagay ng sili kng nais na maanghang ng kaunti. patayin na ang stove

Shanghai my Way





1/2 k pork giniling
 sibuyas na mura ( hiniwang maliliit )
1 med. carrot ( grated )
kinchay ( hiwain ng malilit )
1 egg
25 lumpia wrapper (big)
1 ginisa mix ( small )




 paraan ng pag luluto:

                 ilagay ang giniling sa isang malaking bowl. ihalo ang sibuyas na mura,carrot,kinchay. haluin . ihalo din ang itlog, at ginisa mix. pag natapos na haluin lahat ng ingredients, ibalot na sa  lumpia wrapper. maghanda din ng tubig sa isang tasa na may konting cornstarch, para pandikit sa lumpia wrapper pag tapos na ito mabalot. at iprito.

veggie kare-kare




1/2 k kasim,  hiniwang pahaba
1 sibuyas na pula
3 piraso ng bawang
patis- ayon sa panlasa
3 tbsp. toyo
mama sita's kare-kare mix ( dilute sa 1 cup water )
3 tbsp. peanut butter
sitaw- isang tali ( hiwain ng mga 1 1/2 inch )
3 tali ng pechay (  hiwain ng 2 inches ang haba )
1 talong ( hiwain pa slant )
 bario fiesta bagoong ( para sa sawsawan lamang )
                                             
                                                                       Paraan ng pagluluto:                            

                 pa kuluin ang kasim sa  2 cups na tubig, pag malambot na ang karne, itabi.  sa isang kawali, mag gisa ng bawang at sibuyas. lagyan ng konting patis ang ginisa.  isunod ang karne na  palambot na . at ihulog ang sitaw at talong. isama ang peanut butter . pag malambot na ang gulay,  magiging malapot ito gawa ng peanut butter. ibuhos na ang sabaw sa pinaglagaan ng  kasim. at pakuluin ng kaunti. ibuhos na ang na dilute na kare-kare mix. at  ihulog na ang pechay after 3 mins  patayin na ang stove.